Hindi ko lang talaga matiis na hindi maglagay ng mga karagdagang update tungkol sa aking buhay sa mundo ng cyberspace.
Sa araw lang na ito ay hindi bababa sa sampung blog ang aking binasa at ginalugad. Mula sa isang gutom sa kwentong mababasa, ako’y naging isang madulas at may sa-palos na CIA agent dahil pinakialaman ko na rin ang profile ng mga may-akda nito. Suwerte na rin at nakakuha ako ng cp number at YM id ng ilan sa mga binisita kong personalidad.
Samu’t saring kwento ang nabasa ko kanina. May seryosong para kang nasa hearing ng senado, may patawang kalbo, may pang-emote na senti, at may nakakapanindig balahibong ding mga horror stories gaya ng mga break-up ng magsyota o mag-bespren at pati na rin ang mga simpleng kuwento ng pagharap sa salamin pagkagising sa umaga ay horror na ring maituturing.
Parang mga fishball, kikiam, squidballs, at chicken balls na lumalangoy sa kawali ang mga blog. Kuha ka lang ng stick, and then you make tusok-tusok na whatever you like.
Pero dahil ayokong i-portray bilang coño kapag isinabuhay na ang kwento ko sa MMK ay balik sa normal na uli ang Tagalog ko. Eh kasi naman noh being coño is not sosyal kaya. They’re baduy din and they don’t make amin lang. Eeew!
At pagkatusok mo sa mga fishball blogs eh isasawsaw mo na ito ngayon sa sawsawan ng iyong utak at nanamnamin na ito pagkatapos. Sa stick ng fishballs na hawak mo, pansin mong ‘di lahat pare-pareho. May medyo maputi pa, may medyo brown na, may malutong, may malambot, may payat, may mataba, at may naligaw palang squidball.
Pero lahat ng ‘yan masarap kapag ninamnam mo. At lahat ‘yan affordable. ‘Di mo kailangang gumastos ng malaki para ma-enjoy ang mga blog. Punta ka lang sa netshop o kaya eh pakabit ng net line sa bahay eh oks na ang olrayt mo. Mura lang ang mga fishballs na ito. Hanggang ngayon singkwenta sentimos pa rin ang fishballs.
Mula 1997, tahimik na dumadaing ang mga fishballs dahil sila na lang ang wala pang umento sa presyo. Ngunit wala silang magawa dahil wala pang inilalabas na direktiba ang DTI para taasan ang presyo ng fishball sa piso. Sa ngayon daw ay planong dalhin ng mga fishball ang kanilang protesta sa Mendiola.
Ito si Song Han Jin, nag-uulat.

You make tusok-tusok na kaya
Mayo 19, 2009 at 1:25 hapon
nice.sana makita mo rin ang tindahan ko ng fishballs sa akinangmundo.wordpress.com
salamat sa iyong pagbisita, gabriel. baka naman pwede mo rin akong dalhan dito ng fishballs na tinda mo haha.
Mayo 21, 2009 at 1:24 hapon
kwawang sisiw. inosenteng sisiw. tlagang s leeg p tnusok ung stick e nu! s mkati 4pcs php20 n. d q lam kng tnurukan ng kung anu un. la2ki ksi e. pero srap.. heheh…
oi yhani!!! haha! nadalaw ka sa online home ko. yes kumakain ka pala ng one-day old haha! tapang!
Setyembre 8, 2009 at 1:20 umaga
Haha! Nice one Song Han Jin!
Thanks Alps!! ^_^ *gives a stick of fishballs*